
Reunited ang celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano sa kanilang mga kaibigan at kapwa TV hosts na sina Mariel Padilla, Bianca Gonzales, at ang tinaguriang "King of Talk" na si Boy Abunda.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Drew ang larawan ng nasabing reunion na ginanap sa bahay mismo ni Tito Boy.
"Tito Boy's angels reunited! Thanks for hosting dinner, Tito Boy! I missed everybody!" sabi ni Drew sa kanyang post.
Sa nasabing post, nagkomento naman ang kilalang TV personality at host na si IC Mendoza.
"My idols," saad ni IC.
Samantala, kamakailan ay ipinasilip naman nina Iya at Drew ang kanilang ipinapatayong family home sa Antipolo na may view ng Laguna Lake at Metro Manila skyline.
SILIPIN NAMAN ANG MASAYANG PAMILYA NINA IYA AT DREW KASAMA ANG KANILANG APAT NA ANAK SA GALLERY NA ITO: