
Balik na naman sa mga kwela niyang kuwento ang Biyahe ni Drew host Drew Arellano. Ngunit isa sa mga hindi niya malilimutang kuwento ay ang site visit nila ng asawang si Iya Villania sa isang lote sa Tanay, Rizal.
Sa Instagram, nag-post ni Drew ng video ng breathtaking view ng kanilang lote sa Tanay noong 2021. Sa caption ng post, ikinuwento ni Drew na madalas silang overnight camping dates sa kanilang lote.
Ani Drew, “[We] would often try to visualize how to maximize the space.”
Ngunit hindi niya umano makakalimutan ang mismong araw ng kinuhanan niyang video.
“I remember this night though. We weren't prepared for the very windy cold weather that Tanay gifted us,” sabi niya.
“We had to use body warmth and after nine months, Astro “Tanay” este Phoenix was born. Jk. I think,” pagpapatuloy niya.
BALIKAN ANG CUTEST PHOTOS NI ASTRO SA GALLERY NA ITO:
Nag-iwan rin ang ilang celebrity friends ni Drew ng laughing emojis at remarks sa comments section. Isa na sa mga nag-comment ay si Chynna Ortaleza.
Sabi ng aktres, “Ahahahahahahaha! Okay iiwas muna ako sa camping sa Tanay. 😂”
Komento naman ni Iza Calzado, “Love itttt!!! Makapag camping nga din!!! 😂”
Ikinasal sina Drew at Iya noong 2014 at may apat na anak na sina Primo, Leon, Alana at Astro.
Nitong January ay ipinagdiwang nina Drew Arellano at Iya Villania ang kanilang 10th wedding anniversary.