GMA Logo Drew Arellano and Iya Villania
Courtesy: iyavillania (IG)
Celebrity Life

Drew Arellano, nakipagsabayan kay Iya Villania sa isang TikTok video

By EJ Chua
Published June 3, 2022 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Drew Arellano and Iya Villania


May celebrity couple din na naki-dance duet kina Drew Arellano at Iya Villania! Panoorin dito:

Kahit ready to pop na ang tiyan ng preggy mom na si Iya Villania, hindi pa rin siya nagpapaawat sa pagiging active sa ilang mga bagay, gaya na lamang ng pagti-TikTok.

Kaya naman imbes na pigilan, sinabayan na lang ni Drew Arellano ang kaniyang asawa na si Iya.

Sa latest TikTok video na in-upload ng 35-year-old celebrity mom, kapansin-pansin ang makulit at energetic na dance moves nilang mag-asawa.

Sulat ni Iya sa caption ng kaniyang post, “As requested [laugh emoji] with my seasonal TikTokerist @drewarellano.”

Kakabit din ng post-workout bonding ng dalawa ang ang video naman ng dating SexBomb dancer na si Jopay Paguia at asawa nito na si Joshua Zamora.

Mapapanood sa video na in-upload din ni Iya sa Instagram na game na game na nag-duet sa pamamagitan ng isang trending na kanta sa TikTok ang couple.

Makalipas lamang ang halos isang oras, mayroon nang mahigit 134,000 views at halos 10,000 likes ang kanilang video.

Panoorin dito ang TikTok dance duet ng celebrity couples na sina Drew at Iya at Jopay at Joshua:

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)

Samantala, kahit malapit nang manganak, napapanood pa rin si Iya Villania bilang host sa Mars Pa More at sa GMA news program na 24 Oras.

Kilalanin ang beautiful family nina Drew Arellano at Iya Villania sa gallery na ito: