GMA Logo Drew Arellano gets haircut from Iya Villania
Celebrity Life

Drew Arellano, tinawag si Iya Villania na "mabangis na barbera"

By Maine Aquino
Published April 16, 2020 12:07 PM PHT
Updated April 16, 2020 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Drew Arellano gets haircut from Iya Villania


Ano ang masasabi ninyo sa quarantine haircut ni Iya Villania para kay Drew Arellano?

Bagong gupit si Drew Arellano sa tulong ng kanyang asawa na si Iya Villania.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Drew ang proseso ng kanyang haircut na gawa ng kanyang asawa.

Saad ni Drew, nakakatakot ang game face ni Iya habang ginugupitan siya ng buhok.

"Minsan kinakabahan ako sa "game face" look ng asawa ko."

Dagdag pa niya, "Parang buhok sa ilalim ng scalp ko makukuha din niya."


Biro pa ni Drew, "Guni-guni lang pala ng isang asawa lang yun."

Sa kanyang post ay pinuri niya si Iya bilang isang magaling na asawa, nanay at barbera. Kanya ring binigyang diin na dapat i-celebrate araw-araw ang mga kababaihan.

"Malupit talaga sila. Magaling na asawa. Malupit na nanay. Mabangis na barbera."

Dugtong pa niya, "EVERYDAY should be WOMEN'S DAY."


Sa huli ay ipinakita ni Drew ang kanyang after haircut look.

Biro ng Kapuso biyahero, "Puedeng puede na! ....pumuntang derma"


Ilan sa mga celebrity couples na naggupit ng kanilang buhok ng kanilang mga asawa ngayong enhanced community quarantine ay sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico at sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Dingdong Dantes's new hairdo after getting styled by Marian Rivera


Nico Bolzico gets a haircut from Solenn Heussaff