What's on TV

Drew, the obsessed stalker

By Dianara Alegre
Published October 22, 2020 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: February 12, 2026
3 barangay sa Iligan City na nasalanta ng Bagyong Basyang, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation
Iloilo City's P300M additional loan questioned

Article Inside Page


Showbiz News

I Can See You Truly Madly Deadly


Sa 'I Can See You: Truly. Madly. Deadly,' ano pa ang kayang gawin ni Drew para mapagbigyan ang kanyang pagnanasa? Makaligtas kaya si Coleen mula sa nakaambang panganib?

Ang tamihik at mahiyaing si Drew ay hindi pala ang klase ng tao na inaakala ng lahat ng katrabaho niya.

Sa kabila ng mabuting ipinakikita niya sa mga taong nakapaligid sa kanya ay may lihim pala itong pilit na ikinukubli - isa siyang stalker at mamboboso sa pamamagitan ng pag-i-install ng mga hidden camera.

Dahil siya ang IT technician sa resort kung saan nagtatrabaho si Coleen, may acess siya sa lahat ng CCTV cameras na naka-install sa resort.

Nagagawa niya ring mag-install ng hidden cameras sa kahit saang lugar na nanaisin niya. Dahil dito, malaya niyang nabobosohan ang sinumang nanaisin niya nang hindi nahuhuli.

Hindi nakaligtas si Coleen sa malaswang pagpapantasya ni Drew at naging obsessed ito sa kanya.

Dahil hindi sapat para kay Drew na sa screen lang nakikita ang katawan at mga ginagawa ni Coleen sa personal na oras nito, nagtangka na siyang gumawa ng paraan para makalapit kay Coleen.

Ano pa ang kayang gawin ni Drew para mapagbigyan ang kanyang pagnanasa?

Makaligtas kaya si Coleen mula sa nakaambang panganib?

I Can See You Truly Madly Deadly

I Can See You Truly Madly Deadly

I Can See You Truly Madly Deadly

Samantala, kung bitin pa kayo sa mga tagpong napanood sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly nitong Martes, October 20, narito pa ang ilang eksena sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!