
Nabisto ni Abby ang lihim at krimen na ginagawa ni Drew - ang pamboboso sa pamamagitan ng paglalagay ng hidden cameras sa mga personal space ng gusto niyang pagnasahan.
Sa pagkakataong ito, si Coleen, ang manager ng resort nakung saan siya nagtatrabaho, ang kanyang pinapantasya.
Natuklasan ito ni Abby, dating best friend ni Coleen at guest sa resort, nang imbestigahan niya ang kakaibang ikinikilos ni Drew.
Nagulat at halos hindi agad nakapaniwala si Abby sa nakita niyang footage ng CCTV cameras na naka-install sa kwarto ni Coleen na malayang pinanonood ni Drew.
Tinangkang balaan ni Abby si Coleen tungkol sa mga nabisto niya ngunit hindi naman agad siya pinaniwalaan ng huli.
Ang masama pa rito, narinig at nahuli ni Drew ang pambibisto sa kanya ni Abby.
Upang patuloy na maitago ang lihim, gagawin ni Drew ang lahat para mapatahimik si Abby.
Makaligtas kaya si Abby sa nakaambang panganib sa kanya?
Samantala, kung bitin pa kayo sa mga tagpong napanood sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly nitong Miyerkules, October 21, narito pa ang ilang eksena sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!