
Ginawa ni Drew ang lahat ng paraan para tuluyan nang maputol ang anumang koneksyong namamagitan sa dating mag-best friend na sina Coleen at Abby.
Ito ay upang maangkin niya nang solo si Coleen na walang panggugulo ni Abby na nakabisto sa pagiging maniac at psychopath niya.
Dahil bulag pa rin si Coleen sa tunay na kalagayan ni Abby sa kamay ni Drew, patuloy na lalabang mag-isa si Abby para sa buhay niya.
Samantala, kung bitin pa kayo sa mga tagpong napanood sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly nitong Huwebes, October 22, narito pa ang ilang eksena sa episode na hindi n'yo dapat palagpasin!