GMA Logo Drunken Tai Chi
What's on TV

'Drunken Tai Chi' starring Donnie Yen, tampok sa GTV ngayong weekend

By Jashley Ann Cruz
Published December 3, 2022 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Drunken Tai Chi


Kabilang ang 'Drunken Tai Chi' starring Donnie Yen sa mga pelikulang inihanda ng GTV ngayong weekend.

Action packed ang weekend kasama ang mga pelikulang inihanda ng GTV.

Pag-aralan ang art of tai chi sa action film na Drunken Tai Chi starring Donnie Yen.

Kuwento ito ng isang spoiled brat na hinahabol ng isang maangas at matinik na killer. Habang siya ay naglalakbay, nakilala niya ang isang mag-asawa na master ang tai chi. Dito siya ay nagpatulong upang matutunan ang kakaibang istilo ng martial arts na ito at matalo ang kanyang kalaban.

Abangan ang Drunken Tai Chi, December 3, 7:00 p.m. sa G!Flicks.

Para naman sa fans ng neo-noir crime films, nariyan ang Motherless Brooklyn.

Tungkol ito sa isang magaling na detective na may Tourette's syndrome. Bagamat may ganitong kalagayan, kanyang sinubukang alamin ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang nag iisang kaibigan at mentor.

Tampok sa pelikula ang mga Hollywood actor na si Edward Norton, Bruce Willis, William Dafoe, Alec Baldwin, at Gugu Mbatha-Raw.

Tunghayan ang Motherless Brooklyn ngayong December 4 12, 9:45 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.