
Trending ngayon sa TikTok ang duet performance nina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at singer-actor Sam Concepcion sa All-Out Sundays stage last Sunday, April 24.
Inawit nina Julie at Sam ang isa sa sikat na mga awitin ng huli na "Dati" kasama sina Tippy Dos Santos at Quest.
Binigyan naman ng kakaibang atake ni Julie ang nasabing awitin na swak sa kailbre ng boses ni Sam na nagresulta sa kanilang swabeng performance.
Mabilis naman na ini-repost at pinag-usapan ng ilang netizens sa TikTok ang kanilang duet na umani ng maraming positibong reaksyon.
Ang isang uploaded video, umabot na sa mahigit kalahating milyon ang views at halos limampung libong likes.
@juliesj17 Dati. #julieannesanjose #myjaps #asiaslimitlessstar #foryou ♬ Dati - Sam Concepcion & Tippy Dos Santos & Quest
Ang isang fan, pinuri ang galing ni Julie Anne, "Swag galing talaga ni Julie Anne."
May isang netizen naman ang nagsabi na bagay daw kay Sam ang mag-perform sa All-Out Sundays stage. "Bagay si Sam Concepcion sa AOS talaga. Paulit-ulit kong pinapanood hindi nakakasawa nakaka-good vibes ang kanta na ito pati diwata."
Ang ibang fans naman, humihiling na masundan pa ang collaborations ng dalawa at magkaroon pa sila ng isang concert.
"Bagay silang mag-collab sa isang song, bagay na bagay 'yung song at ang timbre ng boses nila kung pinagsama."
"Para na silang nasa concert! baka naman."
Napa-throwback naman ang isang netizen sa naging pagsali nila Julie at Sam noon sa magkaibang reality singing competition.
"Naalala ko halos magkasabayan lang Pop Star Kids at Little Big Star. Ang ganda nila tingnan na magkasama ngayon," saad nito.
Ito ang unang performance ni Sam sa All-Out Sundays stage ng GMA.
Samantala, silipin naman ang ilang mga larawan sa naging performance ni Julie Anne San Jose sa Limitless Live! sa gallery na ito: