GMA Logo Ugnayan Lolong
What's on TV

Duet nina Mariane Osabel at Anthony Rosaldo na "Ugnayan," bahagi ng soundtrack ng 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published August 18, 2022 5:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 2k Filipino children adopted by parents in PH, abroad – NACC
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers
GMA Caps 2025 with Ratings Leadership, Digital Dominance

Article Inside Page


Showbiz News

Ugnayan Lolong


Ang duet nina Mariane Osabel at Anthony Rosaldo na "Ugnayan" ay bahagi ng official soundtrack ng 'Lolong.'

Napaka ganda ng mensahe ng awit na "Ugnayan" na duet sa pagitan ng mga The Clash alums na sina Mariane Osabel at Anthony Rosaldo.

Nakasaad kasi sa lyrics ng kanti ang ugnayan ng lahat ng bagay sa mundo--mula sa mga halaman, hayop, panahon, lugar at siyempre ang mga tao.

Saktong sakto ang mensahe nito sa dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Pinagbibidahan ni Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, nais iparating ng show ang mahalagang ugnayan ng tao at kalikasan.

Kaya naman isa ang "Ugnayan" nina Mariane Osabel at Anthony Rosaldo sa mga awit na bahagi ng offical soundtrack ng Lolong.

Panoorin ang official music video ng "Ugnayan" nina Mariane Osabel at Anthony Rosaldo para sa Lolong dito:




Bukod sa "Ugnayan," bahagi rin ng soundtrack ng Lolong ang "Tahan Na" ni Hannah Precillas at ang "214" cover ni Jeremiah Tiangco na nagsisilbing official theme song ng serye.

Samantala, pumasok na rin sa bagong yugto ang kuwento ng Lolong.

May nakilala nang ibang Atubaw si Lolong at nakabisita pa sa bagong kuta na pinagtataguan ng mga ito.

Sa pamumuno ni Diego, karakter ni Vin Abrenica, lalabas ang mga Atubaw mula sa matagal na pagtatago para maningil ng mata sa mata at pangil sa pangil matapos halos maubos ang kanilang lahi.

Hindi sang-ayon si Lolong sa paghihiganting balak nila. Gayunpaman, maaari ba niyang talikuran ang mga Atubaw na kalahi niya?

Abangan 'yan sa bagong yugto ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.