GMA Logo Ruru Madrid in Black Rider
What's on TV

Dugo sa dugo ang laban sa heroic finale weeks ng 'Black Rider'

By Marah Ruiz
Published July 13, 2024 5:00 PM PHT
Updated July 15, 2024 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Elusive December sun leaves Stockholm in the dark
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in Black Rider


Sino ang mananatiling kakampi at sino ang mga magtatraydor? Alamin 'yan sa heroic finale ng 'Black Rider.'

Patuloy ang pag-arangkada ng kabayanihan sa top rating full action series na Black Rider.

Gamit ang banta na isisiwalat niya ang nakaraan ng pangulo bilang isang miyembro ng sindikato, mapipilit ni Calvin (Jon Lucas) si President William (Roi Vinzon) na ipakasal sa kanya si Vanessa (Yassi Pressman).

Malalaman na rin ni Señor Edgardo (Raymond Bagatsing) na si Moises (Jak Roberto) nga ang nawawala niyang anak. Huli na ba ang lahat, lalo na at papanig na ito sa drug lord na si Alvaro (Jeric Raval)?

Aabot na rin sa sukdulan ang nagpapatuloy na hidwaan ni Nanay Alma (Rio Locsin) at kapatid niyang si Jojo (William Lorenzo). Anong baong pasakit at panganib ang haharapin ni Alma sa kamay ng sariling kapatid?

Sa gitna ng lahat ng ito, hindi pa rin nalilimutan ni Elias (Ruru Madrid) ang kanyang misyon. Mapapagbuklod ba pa niya ang kanyang pamilya?

Samantala, huwag ding palampasin ang pagbabalik ng beteranong action star na si Philip Salvador bilang Mariano. Anong hinihudyat ng pagbabalik ng taong nagturo kay Elias ng lahat ng alam niya sa pakikipaglaban?


Patuloy na panoorin ang mga susunod na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist at 2024 Gandingan Awards Most Development-oriented Drama Program na Black Rider!

Ang Black Rider ay kuwento ng isang simpleng delivery rider na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

Huwag magpaiwan sa papalapit na heroic finale ng full action series na Black Rider, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 p.m.

Maaari rin itong mapanood via livestream sa Kapuso Stream.