
Nakapag-secure na ng tickets ang DustBia supporters para sa upcoming grand fan meet nina Dustin Yu at Bianca De Vera.
Excited silang pumila at nag-purchase ng kanilang tickets sa special selling event na ginanap sa Cubao ngayong Sabado, July 4.
Personal na bumisita sina Dustin at Bianca sa event na talaga namang ikinatuwa ng fans.
Ticket selling pa lang para sa Dustbia: Love Actually fan meet ay dinig na dinig na ang hiyawan ng supporters at talaga namang kilig na kilig na sila sa sinusubaybayan nilang loveteam.
Mapapanood ang pasilip sa special ticket selling event sa showbiz report ni Athena Imperial.
Kabilang sa mga dapat abangan sa grand fan meet ay ang high-energy performances, bonding moments, at kilig vibes na talaga namang perfect para mas maka-connect sina Dustin at Bianca sa kanilang supporters.
Ang much-anticipated event ay gaganapin sa August 8 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
Nagsimulang mabuo ang tambalang Dustin at Bianca sa loob ng Bahay Ni Kuya noong naging housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Bianca De Vera's prom-posal for Dustin Yu