
Kahit bilang huling evictees, proud pa din sina Dustin Yu at Bianca De Vera sa kanilang naging journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa kanilang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules (July 2), ibinahagi nina Dustin at Bianca na kahit malapit na silang maging parte ng Big 4 at sila ang huling evictees ay wala itong pagsisisi.
"We have no regrets at all kasi alam po namin na binigay namin 'yung best namin and may mga bagay-bagay lang talaga na hanggang doon na lang talaga. I mean, our journey had to end there and we fully accept that and it is okay," sabi ni Bianca.
Bilang ilang araw pa lang na nasa outside world ang mag-duo, naitanong ni Boy Abunda kung paano sila naga-adjust sa nagdaang eviction.
"We're getting there, Tito Boy. We're processing pa. I mean, we haven't fully grounded ourselves or haven't connected fully to the outside world yet, baby steps. Ayaw po namin siguro talaga biglain din 'yung utak namin or selves basically, so we're okay, we're stable," ipinaliwanag ni Bianca na paunti-unti nang natatanggap ang nangyari.
Natapos man ang kanilang PBB journey na hindi kasama sa Big 4, ramdam pa din nila Dustin at Bianca ang suporta ng kanilang fans.
Kahit si Tito Boy ay nagulat at naging proud na mayroong billboard sina Dustin at Bianca o DusBi sa Times Square New York, Seoul, Korea, Davao, Guadalupe, at Ortigas.
Noong unang malaman ni Dustin ang mainit na suporta ng kanilang fans at ang pa-billboard nila na nakarating na din sa ibang bansa ay hindi agad ito naniwala.
"Ako po, Tito Boy, never ko talaga siya na-imagine sa life ko and at first, akala ko edited lang 'e but then, 'nung dumaan na ako sa Edsa 'nung nakita ko grabe nakaka-proud at super nakakataba po talaga ng puso, Tito Boy," ikinuwento ni Dustin.
Dagdag ng Sparkle artist, "Sobrang naramdaman po talaga namin 'yung love ng mga tao sa labas."
Katulad ni Dustin, hindi din makapaniwala si Bianca sa tinatamasa nilang suporta at pagmamahal ngayon sa outside world.
"Nakakawala po talaga ng pagod. I mean, we've been inside the house for more than a hundred days and parang akala nga po namin inside the house na wala pong nagmamahal sa amin but when we came out of the house, we were welcomed with such warm, beautiful people so 'dun pa lang kahit natalo kami sa task, sa challenge, 'dun pa lang pakiramdam po namin, panalo na po kami," sabi ni Bianca.
Sina Dustin at Bianca ang latest evicted duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Talo sila sa tapatan nila ng BreKa duo (Brent Manalo at Mika Salamanca) para sa spot sa Big 4.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, tingnan dito ang warm welcome ng Sparkle kay Dustin Yu sa outside world: