
Mayroon nang million views ang videos nina Dustin Yu at Bianca De Vera na mapapanood sa TikTok account ng una.
Pinupusuan ng netizens at ng iba pang fans ang pagko-collab ng DusBi para sa ilang TikTok entries, kung saan tampok ang kanilang asaran at kilig moments.
Isa sa mga ito ang entry ni Dustin para sa kanta ng 1150 Collective na pinamagatang "G Luv".
Habang katabi si Bianca, sinabayan ng aktor ang lyrics nito na, “Kung sakali na mamiss mo 'ko, puwede bang pa-kiss? Ohhh.”
Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 4.8 million views.
@dustinyuu Sungit
♬ original sound - Hip.Upxxx
Mayroon na ring million views ang isa pang video nina Dustin at Bianca, kung saan game na game nilang ginaya ang isang dramatic scene sa isang palabas na nag-viral din sa TikTok.
@dustinyuu Tampo @biancadeveraa ♬ original sound - Ricodine♡ - zyre4lle
Ang video na ito ay mayroon na ngayong 7.2 million views.
Samantala, mapapanood sina Dustin at Bianca sa upcoming movie na Love You So Bad, kung saan co-star din nila ang Sparkle star na si Will Ashley.
MEANWHILE, THESE EX-PBB CELEBRITY COLLAB EDITION HOUSEMATES ARE FRIENDSHIP GOALS