GMA Logo bianca de vera and dustin yu at the love actually fan meet
Source: dustinyuu (IG)
What's Hot

Dustin Yu at Bianca de Vera, nagpakilig sa unang fan meet together

By Bianca Geli
Published August 10, 2026 2:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New Gilas Pilipinas Women coach BT Toews to focus on defense ahead of FIBA Pre-OQT
Hong Kong records highest temperature since 1884
EALA-MANIA GOES GLOBAL: How Alex Eala Is Redefining Filipino Sports Stardom

Article Inside Page


Showbiz News

bianca de vera and dustin yu at the love actually fan meet


Nagpakilig sina Dustin Yu at Bianca de Vera sa kanilang kauna-unahang fan meet na “Love, Actually.”

Kahit naapektuhan ng masamang panahon, dumagsa pa rin ang fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera para sa kanilang kauna-unahang fan meet na “Love, Actually.”

Napuno ang New Frontier Theater nitong weekend para sa unang fan meet nina Dustin Yu at Bianca de Vera, na tampok ang nakakakilig na performances at sweet moments ng tambalan.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa Unang Balita, ibinahagi ni Bianca kung gaano siya na-overwhelm sa mainit na pagtanggap ng kanilang fans.

“Nakakatuwa nung lumabas kami, nakaka-overwhelm. Na-o-overwhelm kami sa pagmamahal at the same time ang tagal kasi naming hinintay ito,” ani Bianca.

Bukod sa kanilang performances, nag-enjoy rin ang fans sa mga palaro at iba pang fan service na bahagi ng event.

Nagpasalamat naman si Dustin sa lahat ng sumuporta sa kanilang unang fan meet, lalo na't hindi naging hadlang ang masamang panahon para makadalo ang kanilang mga tagahanga.

“Maraming, maraming salamat talaga sa mga sumuporta sa amin. Alam namin ni Bianca na maraming pinagdadaanan ang mga Pinoy pero binigyan nila kami ng pagmamahal na para sa akin, walang makakapantay,” saad ni Dustin.

Samantala, naging espesyal din ang mensahe ng dalawa para sa isa't isa.

Para kay Dustin, matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong magkaroon si Bianca ng sariling fan meet.

“Matagal ko itong hinintay para sa kanya, magkaroon siya ng sarili niyang concert. Bonus na lang na kasama ako. Para sa kanya ito,” ani Dustin.

Si Bianca naman ay nagpaabot ng mensahe ng suporta at pagmamalaki para kay Dustin.

“Dustin, thank you so much for everything. Maraming salamat, and please know na I'll always be here for you. I'm always proud of you,” saad niya.

Samantala, magsasama sa big screen sina Dustin at Bianca para sa kanilang nalalapit na pelikulang Ba't 'Di Na Lang Tayo?

RELATED GALLERY: