
Nagpasabog ng good vibes at kilig sa TiktoClock ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.
Ang tambalan nina Dustin at Bianca na "DusBi" ay nakisaya sa segment ng TiktoClock na Bukang Bibig na ikinaaliw ng mga TiktoClock hosts at mga Tiktropa. Napanood din ang Dusbi sa nakakaaliw na 'Sang Tanong, 'Sang Sabog.
Sina Dustin at Bianca ay ang latest evicted duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Sila ay natalo kina Brent Manalo at Mika Salamanca para sa Big 4 spot.
Balikan ang masayang pagbisita nina Dustin at Bianca sa TiktoClock dito:
Bukod sa TiktoClock, napanood din ang pagbisita nina Dustin at Bianca sa Unang Hirit at Fast Talk with Boy Abunda.
Samantala, balikan ang pagsalubong ng Sparkle family kay Dustin Yu: