
Tampok sa nakakakilig na music video ng "Kinakabahan" ng OPM band na Lily ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.
Sa Instagram, ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center ang ilang litrato nina Dustin at Bianca sa premiere night ng "Kinakabahan" MV na dinaluhan ng kanilang DustBia at Cheffies fans, kasama ang Lily.
"Their chemistry is something you won't want to miss. The feeling is real tonight as Dustin Yu and Bianca De Vera, the stars of the new @lilymusicph music video, celebrate the premiere with a full house of their supporters," isinulat nito.
Ibinahagi rin ng Sparkle na nag-trending ang "DUSTBIA KINAKABAHAN PREMIERE” sa X (formerly Twitter).
Sa report ni Athena Imperial sa Unang Hirit nitong Miyerkules, September 10, ibinahagi nina Dustin at Bianca kung gaano sila ka-proud sa isa't isa.
"Pinagtrabahuan talaga namin ito ni Bianca and of course with Lily. Naging collaborative lahat at excited ako na mapanood ng mga tao ito. And of course, super proud ako kay Bianca kasi binigay niya 'yung best niya dito sa project na ito," sabi ni Dustin.
Nagpasalamat si Bianca sa mainit na suporta ng kanilang fans na naging daan para magkaroon sila ng mga proyekto sa labas ng Bahay ni Kuya.
"Hindi naman mangyayari ito kung wala 'yung suporta ng aming DustBia family. Sobrang proud din ako kay Dustin because the friendship that we have built inside the house, we carried it on up until the outside world," sabi ng Kapamilya actress.
Mapapanood ang "Kinakabahan MV" sa Huwebes, September 11 sa YouTube channel ng Lily.
Samantala, tingnan dito ang iba pang Kapuso celebrities na bumida sa music videos: