GMA Logo Dustin Yu, Bianca de Vera
source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Dustin Yu at Bianca de Vera, nasanay na sa panghihimasok ng social media sa kanilang pribadong buhay

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2026 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tropical depression outside PAR weakens into LPA
Councilor shot dead as BARMM election period begins
'Lilet Matias: Attorney-At-Law,' mapapanood na sa GTV simula July 20

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu, Bianca de Vera


Tanggap na rin nina Dustin Yu at Bianca de Vera ang pagiging bukas ng buhay nila sa social media.

Sa panahon ngayon ng social media, hindi na bago ang ibahagi ng ordinaryong tao ang halos lahat tungkol sa kanilang pribadong buhay. Maging ang mga celebrities tulad nina Dustin Yu at Bianca de Vera, gumagamit na rin ng iba't ibang platform para mas makilala pa sila ng fans.

Ngunit may mga pagkakataon din na nagiging invasive na ang social media sa kanilang personal na buhay. Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 16, ibinahagi ng dalawa kung kailan okay lang at kailan hindi na maganda ang mga naturang platform.

Ayon pa kay Dustin, umabot na siya sa puntong tinanggap na lang niya na hindi niya kontrolado ang social media sa pag-invade ng kaniyang pribadong buhay.

“Parang may mga times na lumalabas kami pero hindi namin hawak 'yung mga tao kung talagang gusto nila kaming picturan o lumapit sa 'min, mag-video,” sabi ni Dustin.

Bilang mahiyain, pag-amin ni Dustin, hindi siya komportable noong una kapag siya ay kinukuhanan ng video o picture. Ngunit ngayon, nasasanay na lang din ang aktor sa mga random encounter sa labas.

Para naman kay Bianca, alam na niya sa umpisa pa lang ang pinasok niya at kabilang na ang kawalan ng privacy bilang public figures.

“I mean, we are public figures and it comes with a very big responsibility, and for us naman, we don't mind kung may nag-picture. At least, at the end of the day, may napapasaya kami,” sabi ni Bianca.

RELATED CONTENT: ALAMIN KUNG PAANO NAPANATILI NINA ARLENE MUHLACH AT AL TANTAY ANG PRIVACY NG KANILANG BUHAY SA GALLERY NA ITO: