
Hindi lang isa, kundi dalawang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition duos ang bumisita sa fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Biyernes (July 4), kasama sa FUNanghalian ang ex PBB housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera (DusBi).
Masaya silang naging hurado sa double weekly finals ng "Breaking Muse" at "Escort of Appeals," kasama ang social media star Toni Fowler.
Dito rin nila nakita muli ang PBB duo na sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman (ShuKla) na naging special hosts ng segment.
"Hello madlang people!" bati ng dalawa.
"To be honest, excited na ako mapanood 'yung mga 'Breaking Muse' at 'Escort of Appeals'" sabi ni Dustin. "Balita ko pinaghandaan daw talaga 'yung talent portion at tsaka may bardagulan raw mamaya."
Enjoy na enjoy ang DusBi na panoorin ang weekly finalists na sina Budang (Brgy. San Isidro, Taytay Rizal), Verna (Brgy. BF International-CAA, Las Piñas City), Jeremy (Brgy. 7, Lucena, Quezon), at Athan (Brgy. Payatas, Quezon City).
Aminado rin ng dalawa na nahirapan silang pumili ng mananalo, lalo na sa Barangaan portion.
"Sobrang PBB talaga, sobrang pambihira, ang bongga, at bitin!," komento ng Kapuso actor sa 'Breaking Muse' finalists. "Sobrang nabitin talaga ako. Both sila sobrang mukhang superstar at parang nakakita ako ng music video at concert. Sobrang talino at hirap na hirap kami dito ngayon makapili."
Ganoon din ang reaksyon ni Bianca sa mga kandidato ng "Escort of Appeals."
"Actually, sobrang gulong-gulo na ako. I'm so torn right now. Parang pareho silang pogi, charming. Namaos ako sa confidence nila, sa kapogian nila. Gaya ng sinabi mo'ng TDH, tall dark, handsome," pahayag ni Bianca.
Sa huli, nanalo ang apat na mga kandidato sa "Breaking Muse" at "Escort of Appeals."
Samantalang, mabilis nag-trend online ang moments nina Dustin at Bianca sa Its Showtime. Umabot pa sa top trending list ng X (dating Twitter) ang kanilang hashtags at pinusuan din sa ibang social media platforms.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.