
Haharap sa hamon ng The Wall Philippines ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters co-stars na sina Dustin Yu at Tyrone Tan ngayong Linggo, November 20.
Sa inilabas na teaser ng upcoming episode ng nasabing weekend game show, palaban na naglaro sa The Wall ang chinito heartthrobs na sina Dustin at Tyrone kasama ang TV host na si Billy Crawford.
Sa naturang teaser, makikita na si Tyrone ang napiling sumalang sa isolation room kung saan sasagot siya ng iba't ibang mind blowing questions. Ang bawat tamang sagot ni Dustin ay may katumbas na green ball, habang ang maling sagot naman ay may katumbas na red ball na may kakayahang magbawas ng pera sa kanilang money bank.
Ang kanyang partner na si Dustin ang naiwan sa stage kasama si Billy upang magkasa ng bola patungo sa wall.
Mapapanood sa teaser na magkakaroon ng maling sagot si Tyrone na katumbas ng isang red ball. Napaluhod naman sa panghihinayang si Dustin dahil ang nasabing red ball ay bumagsak sa 1 million.
Makabawi kaya ang dalawa sa mga hamon ng higanteng pader? Makuha kaya nila ang higit sa sampung milyong pisong premyo?
Abangan ang isa na namang intense na episode ng The Wall Philippines, kasama sina Dustin at Tyrone ngayong Linggo, November 20, 3:35 ng hapon sa GMA. Mapapanood din ito via live streaming sa GMANetwork.com at sa GMA Network App.
KILALANIN ANG CELEBRITY PLAYER NGAYONG LINGGO SA THE WALL PHILIPPINES NA SI DUSTIN YU SA GALLERY NA ITO: