
Maraming Kapuso stars na ang abala sa paghahanda para sa pinaka-engrande at inaabangang party ng taon, ang GMA Gala 2025.
Kabilang dito ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Dustin Yu at Will Ashley.
Sa isang panayam kasama ang GMANetwork.com, ibinahagi ng dalawa ang kanilang excitement at paghahanda para sa nalalapit na event.
"I just had my fitting [last Wednesday]. Of course I had to workout, kailangan mag-workout," ani Dustin.
Kuwento naman ni Will, "Nagagawa ko palang is makapag-fitting pa lang talaga ng susuotin ko po. Pero 'yung mga tutuluyan kong hotel, grabe wala pa kasi sobrang busy din ng schedule. Pero at the same time, ginagawan po namin ng paraan para maging presentable din naman of course sa darating na gala."
Isa sa mga tanong na inaabangan ng fans: May date na nga ba sina Dustin at Will para sa gala?
"Makikita n'yo na lang. Tingnan natin," pa-tease na sagot ng Chinito Boss-Sikap. "(Gala proposal), siguro. We'll see."
Ang sagot naman ng Nation's Son, "Nako! Sana nga po meron e. Pero well 'di pa natin alam kasi wala pa namang August 2. So malay natin baka meron. Pero 'wag muna umasa."
Kamakailan, dumalo sina Dustin at Will sa GMA Gala 2025 Partners' Night. Kasama nila ang ilan pang dating Kapuso housemates tulad nina AZ Martinez, Charlie Fleming, Shuvee Etrata, Josh Ford, Michael Sager, at Vince Maristela.
Present din sa nasabing event ang ilang Sparkle stars, GMA executives, at sponsors ng gala.
Gaganapin na ang dazzling GMA Gala 2025 ngayong August 2.
I-follow ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng GMA Network at Sparkle para sa updates!
Samantala, balikan ang stylish at heartwarming moments ng GMA Gala 2025 Partners' Night sa gallery na ito: