
Mapapanood si Kapuso actor at former PBB housemate Dustin Yu sa dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ngayong taon.
Bahagi si Dustin ng malaki at star-studded cast ng horror anthology film na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins, partikular sa pangatlong istorya nitong pinamagatang "2025."
Magiging co-stars niya rito sina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Manilyn Reynes, Matt Lozano, Celyn David, Sarah Edwards, Maika Rivera, Raven Rigor, Angelica Lao, at Shecko Apostol.
Gaganap sila rito bilang survivors sa isang futuristic, post-apocalyptic world.
Source: Dustin Yu (IG)
Bibida rin si Dustin sa Love You So Bad, isa sa apat na pelikulang inanunsyo kamakailan na kukumpleto sa official MMFF entries ngayong taon.
Magiging co-star niya rito ang kapwa PBB housemates na sina Will Ashley at Bianca de Vera.
Co-produced ito ng mga movie industry giants na Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment.
Ang blockbuster director na si Mae Cruz Alviar naman ang magsisilbing direktor nito.
Masaya si Dustin na maging bahagi ng dalawang MMFF films ngayong 2025.
"Heart's full :)," simpleng caption ni Dustin sa kanyang post.
Nakatakda namang ipakita ni Dustin ang kanyang basketball skills sa "Shoot of Asia," isang exhibition game.
Bahagi siya ng Team Philippines' Kuys Showtime kasama ang mabuting kaibigan na si David Licauco, Never Say Die star Wendell Ramos, The Voice Kids Coach Billy Crawford, It's Showtime hosts Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ion Perez, at marami pang iba.
Makakatunggali nila ang Team Korea Rising Eagles na kinabibilangan naman nina Minho ng SHINee at Johnny ng NCT.
Mapapanood ito sa October 26 sa Mall of Asia Arena.
KILALANIN ANG MGA ARISTANG MAPAPANOOD SA DALAWANG 2025 MMFF ENTRIES DITO: