GMA Logo Dustin Yu Bianca De Vera interview
What's Hot

Dustin Yu, Bianca De Vera, sino ang naging ka-close sa Bahay Ni Kuya?

By EJ Chua
Published July 2, 2025 6:59 PM PHT
Updated July 2, 2025 6:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu Bianca De Vera interview


Pinangalanan ng DusBi (Dustin Yu, Bianca De Vera) kung sino ang housemates na pinaka naging malapit sa kanila sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Sina Dustin Yu at Bianca De Vera ang latest evictess sa hit collab ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Bago tuluyang lumabas ng Bahay Ni Kuya, naging emosyonal sina Dustin at Bianca kasabay ng remaining housemates sa iconic house.

Tila nahirapan silang iwan ang mga kasama nilang lubos na napalapit na sa kanila.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa DusBi, game na game nilang ini-reveal kung sino ang housemates na malapit na talaga sa kanilang mga puso.

Ayon sa Kapuso star at ex-housemate na si Dustin, si Bianca ang umano'y Kapamilya housemate na pinakanaging ka-close niya sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat.

“Ako honestly si Bianca [De Vera]. Siya 'yung pinaka naging ka-close ko,” sabi niya.

Para naman kay Bianca, “Ako po other than Dustin [Yu], naging close din po kami ni Mika [Salamanca]. Siya po 'yung naging best friend ko inside the house.”

Nakilala sina Dustin at Bianca sa programa bilang Chinito Boss-sikap ng Quezon City at Sassy Unica Hija ng Taguig. Huwag bibitiw sa mga natitirang huling kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'