
Isang kuwento tungkol sa second chances ang hatid ng Regal Studio Presents sa special New Year episode nito.
Pinamagatang "My Family, My Home," gaganap dito si Dustin Yu bilang Peter, isang lalaking magbabalik sa buhay ng kanyang pamilya sa bisperas ng Bagong Taon.
Ilang taon ding nasa rehab si Peter pero agad siyang tatanggapin ng kanyang nanay at ate.
Tanging ang kanyang kuya na si Steven, karakter ni Kim Perez, ang may hinanakit pa rin sa kanya. Sinisisi pa rin kasi ni Steven si Peter sa pagkamatay ng kanilang ama.