
Inilahad ni Dustin Yu ang mga naitulong at natutunan niya mula kay David Licauco sa pagnenegosyo pati na rin ang kanilang magandang pagkakaibigan.
Ikinuwento ni Dustin ito sa YouTube channel ni Karen Davila.
Ayon kay Dustin, napahanga siya sa husay ni David sa pagnenegosyo. Si David ay nakapagpundar na ng iba't ibang mga food business.
PHOTO SOURCE: David Licauco (Facebook)
"Noong time na magkakilala na kami, nagsa-start na siyang mag-business. Nagpapadala siya ng food sa set, tapos ako parang wow ang galing nito, artista tapos may business. Noong time na 'yun nagsa-struggle ako financially. Gusto kong kumita nang kumita."
Noong naging malapit na magkaibigan sina Dustin at David, inaral ni Dustin ang pagma-manage ni David ng kanyang mga negosyo.
Kuwento ni Dustin, "Naging close kami ni David tapos lagi na ako sumasama sa kanya sa meetings niya. Lagi niya ako sinasama sa restaurant niya. Hindi niya alam, inaalam ko na lahat. Kapag wala siya sa restaurant niya, pumupunta ako, kinakausap ko managers niya, pumupunta ako sa kitchen, inaaral ko na lahat."
Inilahad din ng aktor na sinabihan siya ni David na gagabayan siya nito sa pagnenegosyo.
"May isang beses napag-usapan namin, bakit hindi tayo magnegosyo, tulungan kita, sabi ni David. Pero hahayaan lang kita, tutulungan lang kita, tuturuan kita, hahayaan kita, hindi tayo magkasosyo kasi mag-aaway tayo."
Pagpapatuloy ni Dustin, "Siya 'yung nagbukas sa akin ng chicken stall. Siya 'yung tumulong sa akin doon. Sabi niya sa akin, alam mo kailangan mo na maghanap ng stable income o kaya passive income. Kumuha ka ng location, maghanap ka, mag-ikot ikot ka."
Iba't ibang aspeto raw ang negosyo ang naibahagi ni David kay Dustin. Kuwento ng aktor sa interview, "Tinuruan niya na ako paano mag-marketing, paano mag-handle ng tao, paano kumausap ng suppliers."
Bukod sa negosyo, ikinuwento pa ni Dustin na malalim na ang pagkakaibigan nila ni David dahil sa kanilang mga pinagdaanan.
"'Yung friendship namin, hindi lang siya mababaw. Ang dami rin naming pinagdaanan, ang dami rin naming similarities. Si David parang kapatid ko na rin talaga siya, ang dami niyang natulong sa akin, sa business, sa love, sa career."
KILALANIN ANG IBA PANG CELEBRITY ENTREPRENEURS DITO: