GMA Logo Dustin Yu and Bianca De Vera
Photo by: dustinyuu (IG)
What's Hot

Dustin Yu kay Bianca De Vera: 'Nababalanse niya ako'

By Kristine Kang
Published July 31, 2025 7:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pasig River Esplanade ready in 10 days — Liza Marcos
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu and Bianca De Vera


Alamin din dito ang relasyon ngayon ng 'PBB Celebrity Collab' stars Dustin Yu at Bianca De Vera.

Mula sa loob ng Bahay ni Kuya hanggang sa outside world, marami pa rin ang kinikilig sa bonding moments ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

Hindi na bago sa publiko ang makita ang dalawa sa ilang sweet dates at public events. Ngunit kamakailan ay muling pinakilig ni Dustin ang fans nang mag-propose siya kay Bianca bilang ka-date sa nalalapit na GMA Gala 2025.

Sa panayam niya kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Dustin ang kanyang tunay na nararamdaman para sa Kapamilya star.

Aniya, totoo talaga ang mga emosyon at sinasabi niya sa loob ng PBB house. Wala rin daw itong halong "para lang sa loveteam" dahil talagang nais niya raw makilala pa si Bianca noon.

Nang tanungin siya tungkol sa estado ng kanilang relasyon, pangiting sinagot ng Kapuso star.

"Hindi pa kami," pag-amin niya. "Excited ako mapunta ako du'n sa point na liligawan ko siya. Pero ngayon, ayoko lang talaga mawala 'yung nabuo namin sa loob ng bahay ni Kuya."

Sa ngayon, masaya si Dustin sa pagkakataong mas makilala pa si Bianca. Ibinahagi rin niya kung gaano siya humahanga sa personalidad ng aktres.

"Super rare for me makakita ng gano'ng tao kagaya ni Bianca. So hindi ko na rin sasangayin," pahayag ni Dustin.

"Number one, super happy talaga ako 'pag kasama ko siya. Sobrang bait rin talagang tao ni Bianca. Sobrang talino, never ako na-bore kapag kausap ko siya. Dami kong napupulot na knowledge."

Para kay Dustin, malaki rin daw ang naging epekto ni Bianca sa kanyang pananaw sa buhay.

"Magkaiba kasi kami ng personality. Interesting na parang may iba siyang perspective sa life. Kumbaga ako more on sa serious side ako. Sa negosyo, sa career, gan'yan. Siya nandyan to be serious din pero mas kaya niyang tumawa, have fun, so ako natutuwa ako kasi nababalanse niya ako," sabi niya.

Masayang ibinahagi rin ni Dustin na nakausap na niya ang mga magulang ni Bianca, kung saan binilin din siya na ingatan at alagaan ang aktres.

Sa career naman, looking forward din si Dustin na makatrabaho muli si Bianca sa isang upcoming project.

Panoorin ang naging panayam, dito: