GMA Logo Dustin Yu in Mano Po Legacy
What's on TV

Dustin Yu, masayang makabalik sa third installment ng 'Mano Po Legacy'

By Marah Ruiz
Published October 26, 2022 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Sleat, Gojo Cruz save best for last as Perpetual beats Benilde in battle for third
Mall of Asia opens football park to boost the sport's popularity in PH
Food pack, tubig at iba pa, hatid ng GMAKF sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa Negros Island | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu in Mano Po Legacy


Ire-reprise ni Dustin Yu ang role niya sa unang installment ng 'Mano Po Legacy' series na "The Family Fortune" sa upcoming third installment nito na "The Flower Sisters."

Magbabalik si Dustin Yu sa pangatlong installment ng Mano Po Legacy series na "The Flower Sisters" matapos bumida sa unang installment nito na "The Family Fortune."

Muli niyang gagampanan ang role ni Kenneth Chan na mula sa mayamang angkan na nasa likod ng prestihiyong kumpanyang Gold Quest.

Hindi raw inasahan ni Dustin na makakabalik siyang muli sa teleseryeng ito na base sa iconic Mano Po film franchise.

"Sobrang happy ko and at the same time, hindi ko siya in-expect. Akala ko cameo lang pero naging regular na cast talaga ako sa season 3. May sarili akong story which is noong season 1 akala ko natapos na. Pero nagtiwala ulit sila sa akin na gawan pa natin ng istorya si Kenneth Chan," kuwento ni Dustin sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com.

May makikita rin daw na mga pagbabago sa karakter niyang si Kenneth mula noong una nating siyang mapanood sa "The Family Fortune" hanggang sa pagbabalik niya sa "The Flower Sisters."

"I think 'yung character development na nangyari from season 1 to season 3 is nag-mature si Kenneth dahil doon sa na-experience niya and na-encounter niya sa season 1 na trauma. Nakatulong sa kanya si Iris (Angel Guardian) na nakilala niya dito sa season 3. Nagko-complement with each other sila. Kasi pareho silang from the States 'di ba? Umpisa pa lang nag blend sila, naging curious sila with each other," bahagi ni Dustin.

Dustin Yu and Angel Guardian

Ayon din sa aktor, mas magiging masaya na raw kumpara sa unang season ang storyline niya ngayon. Gayunpaman, may malaking twist daw na dapat abangan sa kanyang karakter.

"Noong nagte-taping na kami, nag-sink in sa akin na siguro kaya ako kinuha ulit dito para magampanan ulit 'yung role ni Kenneth kasi noong season 1, puro lungkot lang ako, breakdown, puro lang ako iyak. Ngayon, time naman na siguro na maging masaya ni Kenneth--a happy Kenneth pero may twist," lahad niya.

Ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters ay tungkol sa apat na magkakapatid sa ama, ang Chua sisters, na may kanya-kanyang ambisyon at pangarap na magiging sanhi ng banggaan at tunggalian sa kanila.

Bukod kina Dustin at Angel, bahagi rin ng serye sina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, at marami pang iba.

Mapapanood na ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters simula October 31, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA NAGANAP SA PRESS CONFERENCE NG SERYE DITO: