GMA Logo dustin yu
Source: dustinyuu/IG, kira_balinger/IG, ivanaalawi/IG
What's on TV

Dustin Yu, may inamin tungkol sa nararamdaman para kina Ivana Alawi, Kira Balinger

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2026 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Councilor shot dead as BARMM election period begins
Foreign Exchange Rate as of July 17, 2026 | Balitang Bisdak
Spend Your Weekends with Filipino Blockbusters on GMA Pinoy TV via OSN

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu


Kanino kina Ivana Alawi, Kira Balinger, at Bianca de Vera unang nagkagusto si Dustin Yu?

Binigyang-linaw na ni Kapuso star Dustin Yu ang bali-balita noon na nagkagusto ang aktor sa social media personality na si Ivana Alawi at sa kapwa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate niya na si Kira Balinger. Kaya naman, marami ang nagtaka kung papaano napunta ang atensyon ng aktor ngayon kay Bianca de Vera.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 16, inamin ni Dustin na nagulat na lang siya sa mga balita paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Pagbabahagi ng aktor, “I'll be honest also na si Ivana kasi, naging happy crush ko way, way back pa. Parang siyempre lagi ko siyang nakikita sa social media, sobrang peak talaga e, na Ivana Alawi.”

Pagpapatuloy pa ng aktor, “I mean, lahat naman siguro, naa-attract kay Miss Ivana, so parang ako, nu'ng nakita ko siya sa loob ng PBB at nalaman ko na makakasama ko siya, may hiya na akong naramadamn na parang 'Oh my God.'”

BALIKAN ANG ILANG SWEET MOMENTS NINA DUSTIN AT BIANCA SA VIETNAM SA GALLERY NA ITO:

Aminado naman si Dustin na isang “great woman” si Kira para sa kaniya.

“I mean, lahat naman kaming housemates, sinasabi namin na si Kira ay isang maganda, matalinong babae. Ako, sinabi ko lang 'yun na naglalaro kami sa game na parang sabi ko kay Kira, 'Si Kira, maganda siya, girlfriend material, okay siya,'” sabi ni Dustin.

Pero paglilinaw ng aktor, never siyang nagkagusto sa aktres. Sinabi rin ni Dustin na “hundred percent” ay faithful siya kay Bianca, at sinabing hindi siya manliligaw sa iba.