
Mukhang worth the wait nga si Dustin Yu kay Bianca De Vera paglabas nila sa outside world dahil natupad na ang matagal niyang pinaplano.
Noong Sabado, August 2, naging espesyal ang gabi para kay Dustin Yu dahil nakasama niya si Bianca De Vera bilang ka-date sa GMA Gala 2025.
Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kasama ang Sparkle artist, ibinahagi ni Dustin ang kuwento sa likod ng kaniyang kilig-filled gala proposal para sa Kapamilya actress.
"Actually sa bahay pa lang ni Kuya, pina-plan ko na 'yun, perfect timing lang na may GMA Gala," ikinuwento ni Dustin.
"Ginawa ko na lang siya. Ginawa ko na lang siya agad," dagdag pa niya.
Sa Instagram, ibinahagi ni Dustin ang isang video ng kaniyang GMA Gala proposal para kay Bianca -- kumpleto sa candle-lit dinner at bouquet of flowers.
Sila Dustin at Bianca ay kilala bilang DustBia, ang ship na nabuo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nagsagawa rin ng gala proposal ang kaniyang kaibigan at kapwa PBB housemate na si Brent Manalo, para sa kanyang ka-duo na si Mika Salamanca. Si Brent at Mika ay kilala naman bilang MikBrent na isa sa mga malalapit na kaibigan nina Dustin at Bianca.
Samantala, tingnan dito ang PBB housemates sa GMA Gala 2025: