GMA Logo dustin yu
What's Hot

Dustin Yu, miss na ang bonding moments nila ng male housemates sa 'PBB Celebrity Collab Edition'

By EJ Chua
Published July 4, 2025 12:50 PM PHT
Updated July 4, 2025 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu


Dustin Yu sa kapwa male housemates niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: “Para kaming magkakapatid.”

May pa-throwback ang ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Dustin Yu sa experiences niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Dustin, inalala niya ang bonding moments nila ng male housemates noong kumpleto pa sila sa iconic house.

Ayon sa Sparkle star, sobrang naging malapit at itinuring na nilang kapatid ang isa't isa.

“Super close kaming lahat. Malala 'yung closeness namin sa isa't isa, para kaming magkakapatid and suporta kami sa isa't isa,” pahayag niya.

Kasunod nito, ibinahagi ni Dustin ang ilan sa hindi niya malilimutan na bonding moments nila ng male housemates.

Pagbabahagi niya, “Every morning tina-try naming mag-workout as part of our bonding na rin. Kami talagang mga boys, mine-make sure namin na alagaan ang girls, isa na rin 'yun sa bonding namin.”

“Masaya, iba-iba kaming mga boys ng mga ugali pero nag-e-enjoy kami. May tahimik, may maingay,” dagdag pa niya.

Sina Will Ashley, Ralph De Leon, Brent Manalo, Josh Ford, Michael Sager, Vince Maristela, Emilio Daez, at River Joseph ang male housemates na tinutukoy ni Dustin sa kaniyang naging pahayag.

Samantala, ang final duo ni Dustin bago siya lumabas ng Bahay Ni Kuya ay ang Kapamilya star na si Bianca De Vera.

Sina Dustin at Bianca ay nakilala sa hit sa program bilang Chinito Boss-sikap ng Quezon City at Sassy Unica Hija ng Taguig.

Huwag bibitiw sa mga natitirang huling kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

RELATED GALLERY: CELEBRITY HOUSEGUESTS SA PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION