GMA Logo Dustin Yu
Celebrity Life

Dustin Yu, nagkuwento tungkol sa kaniyang sleep apnea

By EJ Chua
Published August 2, 2025 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Babae, patay nang pagsasaksakin at bugbugin ng mister dahil sa selos umano; suspek, nakita sa balon
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu


Inilahad ni Dustin Yu kung ano ang naging solusyon noon sa pagkakaroon niya ng isang serious sleep disorder.

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-open up ni Dustin Yu tungkol sa pagkakaroon niya noon ng serious sleep disorder na tinatawag na sleep apnea.

Sa candid interview ni Ogie Diaz kay Dustin, inilahad ng huli na ang pangunahing dahilan ng pag undergo niya sa nose enhancement surgery ay para umano sa kaniyang health.

Ipinaliwanag ng Sparkle actor na dahil sa sleep apnea, hirap siya noon sa paghinga na may kaugnayan sa passage sa kaniyang ilong.

“May sleep apnea kasi ako before. Maliit 'yung passage ng breathing ko tapos binabangungot ako. Bad sleep talaga, every day,” pahayag niya.

Sa naturang interview, isa pang ibinahagi ni Dustin ay ang criticsms na natanggap niya noon tungkol sa kaniyang looks at bilang isa sa housemates sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

“First two to three days, parang hindi ako makatulog. Sabi ko, hala ano [ang] nangyayari sa buhay ko. Worried ako sa business ko, sa family ko. Nakakahiya na siguro lumabas. Naku, wala na yata akong career, patay,” sabi niya.

Kasunod nito, nabanggit ni Dustin na gusto niyang humingi noon ng paumanhin sa kaniyang management tungkol sa pagpapakatotoo niya sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Samantala, ang Kapuso actor ay nakilala sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Chinito Boss-sikap ng Quezon City.

Ang final duo ni Dustin bago siya lumabas ng Bahay Ni Kuya ay ang Star Magic artist na si Bianca De Vera. Nakilala sila sa reality competition bilang DustBi.

Related gallery: Dustin Yu gets warm welcome from Sparkle after PBB exit