
Isa si Dustin Yu sa mga nakaalala sa special day ni Bianca De Vera.
Mababasa sa Instagram post ni Dustin ang heartfelt birthday greeting niya para kay Bianca na mayroon ding nakakabit na photos nila together.
“You deserve all the happiness today and always, Caca! Happiest birthday to you. Your forever duo, Dudu,” sulat niya sa caption.
Mababasa naman sa comments section ang simple ngunit makulit na komento ng ex-housemate at Third Big Placer sa unang season ng collab na si Charlie Fleming.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 85,000 heart reactions ang post ni Dustin para kay Bianca.
Matatandaang nagsimula ang tambalan ng dalawa sa loob ng Bahay Ni Kuya nang maging official housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: These ex-PBB housemates are friendship goals
Kasunod nito, naging magka-love team sila sa collab movie ng GMA at ABS-CBN na Love You So Bad, kung saan nakasama rin nila bilang lead star ang isa pang ex-housemate na si Will Ashley.
Sina Dustin at Bianca ay nakilala sa naturang romcom film bilang sina LA at Savannah.
Abala ngayon ang dalawa at iba pang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemates sa kanilang taping para sa upcoming series na pinamagatang The Secrets of Hotel 88.