
Ang pangalan ni Dustin Yu ang isa sa mga namayagpag sa 7th VP Choice Awards ng Village Pipol Magazine.
Si Dustin ay second placer sa PIPOL's Sexiest of the Year Male category.
Ang Kapuso actor ay tinaguriang chinito hottie at nakilala siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang Chinito Boss Sikap ng Quezon City.
Kasalukuyang abala ang Sparkle star sa kanyang kabi-kabilang acting projects, gaya ng mga pelikulang kinabibilangan niya na pasok sa 2025 Metro Manila Film Festival.
Siya ay kabilang sa cast ng Shake, Rattle, & Roll: Evil Origins, ang nag-iisang horror film sa MMFF ngayong taon.
Mapapanood din siya sa MMFF entry na Love You So Bad, ang pelikulang pagbibidahan nila ng kanyang former Pinoy Big Brother housemates na sina Bianca De Vera at Will Ashley.
Ang Sparkle actor ang isa sa former housemates ni Kuya na parte rin ng cast ng upcoming multi-genre series na The Secrets of Hotel 88.
Samantala, bukod sa kanyang showbiz career, abala rin si Dustin sa pagiging business owner.