GMA Logo dustin yu
Source: sparklegmaartistcenter (IG)
What's Hot

Dustin Yu, sinalubong ng pamilya paglabas sa PBB house

By Jansen Ramos
Published June 29, 2025 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu


Nagpasalamat si Dustin Yu sa mga sumuporta sa kanya sa 'PBB Celebrity Collab Edition.'

Nakatanggap ng suporta ang latest Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition evictee na si Dustin Yu mula sa kanyang pamilya.

Sinalubong ang Sparkle artist, na binansagang "Chinito Boss-Sikap ng Quezon City," ng kanyang pamilya sa paglabas niya sa Bahay Ni Kuya.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa video na ipinost ng Sparkle sa Instagram, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Dustin sa lahat ng sumubaybay sa kanya sa loob ng PBB house.

Aniya, "Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat nang sumuporta at nagmahal sa journey ko sa dito sa PBB. Maraming, maraming, maraming salamat po. Sobrang mahal na mahal ko kayo. I can't wait na makasama ko kayo lahat at magiging masaya lang tayo lahat."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Samantala, kasabay niyang na-evict ang ka-duo iyang si Bianca De Vera, na binansagan "Sassy Unica Hija ng Taguig."

Ang mga natitirang duos sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay sina Charlie Fleming at Esnyr; Will Ashley at Ralph de Leon; AZ Martinez at River Joseph; at Mika Salamanca at Brent Manalo.

Gaganapin ang PBB Big Night sa July 5 sa New Frontier Theater, Quezon City.

Related gallery: The final duos

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.