
Usap-usapan ang bagong post ni Dustin Yu sa kanyang account sa Instagram.
Sa apat na photos na kanyang ibinahagi, makikita ang ilang bouquet of flowers habang nakasakay si Dustin sa isang classic-looking na bisikleta.
Ayon sa ilang netizens at kanyang fans, very romantic umano ang datingan ng Sparkle actor.
“La lang [smile emoji],” sulat ni Dustin sa caption ng latest post.
Mababasa rin sa comments section ang comments at reactions ng netizens at kanyang supporters, kung saan binansagan nila ang aktor bilang isang “lover boy.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 68,000 heart reactions ang new solo photos ni Dustin.
Si Dustin ay napanood sa nakaraang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan ang kanyang final duo ay ang Kapamilya artist na si Bianca De Vera.
Bukod sa pagiging final duo, isini-ship din ng netizens sina Dustin at Bianca.
Nakilala si Dustin sa collab project ng GMA at ABS-CBN bilang Chinito Boss Sikap ng Quezon City.
Samantala, bibida ang aktor sa upcoming film na Love You So Bad, kung saan co-lead stars niya ang kanyang ex-housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Will Ashley at Bianca De Vera.
Related gallery: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online