
Puno ng kilig at saya ang umaga ngayong Miyerkules (July 2) kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition stars, Dustin Yu at Bianca De Vera!
Labis ang tuwa ng fans na muling masilayan ang dalawa sa GMA morning show na Unang Hirit.
Walang paliguy-ligoy, agad tinanong ang DusBi duo kung ano na nga ba ang kanilang relationship status ngayong nasa “outside world” na sila.
"Wala naman pong nagbago. Magka-duo pa rin po kami dito sa labas," sagot ni Bianca.
Pero mas kinilig ang fans nang sinabi niyang, "We're starting over again. We're getting to know each other again. Much more comfortable pero ayan you'll see."
Para kay Dustin, si Bianca raw ang kanyang "final duo" hanggang sa labas ng Bahay ni Kuya. Matatandaang nagregalo pa siya kay Bianca ng isang paper ring bilang tanda ng kanyang commitment.
"Just an assurance na paglabas namin, nandito pa rin ako for her," kuwento niya.
Hindi rin naitago ang kilig ng dalawang ex-housemates nang pinanood ang ilan sa kanilang sweet moments sa loob ng PBB house.
Na hot-seat pa nga ang duo nang napansin ng fans ang hair tie ni Bianca na hanggang ngayon suot pa rin ni Dustin.
"I remember binigay niya sa akin itonoong magta-task na kami, parang last task. Parang hirap na hirap kami during that time so parang ito ang naging strength ko from her. Until now syempre, 'di ko siya tatanggalin."
Inamin ng DusBi duo na sabik na rin silang pasukin ang mas maraming proyekto sa outside world. At higit sa lahat, lubos ang pasasalamat nila sa kanilang fans na patuloy ang suporta.
"Ang masasabi ko lang ang gaganda niyo sa personal," bati ni Bianca sa fans.
"We are very very blessed to have all of you. hindi po namin sasayangin 'yung pagmamahal na binibigay n'yo po sa amin araw-araw. So maraming, maraming salamat po."
Dagdag naman ni Dustin, "Super grateful ako na di ko sila nakikita just feel different talaga. Seeing them made our day special every day. Now lang din kami naka exeperience ng ganito. Nakaka-overwhelm pero can't wait for the next days."
Sina Dustin at Bianca ang latest evicted duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Talo sila sa tapatan nila ng BreKa duo (Brent Manalo at Mika Salamanca) para sa spot sa Big 4.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, tingnan ang warm welcome ng Sparkle family kay Dustin Yu, dito: