GMA Logo dustin yu on pbb celebrity collab edition
Courtesy: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother
What's Hot

Dustin Yu's 'middle child' story draws empathy from 'PBB' viewers

By EJ Chua
Published March 11, 2025 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu on pbb celebrity collab edition


Bakit kaya naka-relate ang ilang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' viewers sa kuwento ni Dustin Yu?

Unti-unti nang nakikilala ng viewers at netizens ang Kapuso at Kapamilya housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Isa na sa kanila ang Sparkle actor na si Dustin Yu, na kilala ngayon bilang Chinito Boss-sikap ng Quezon City.

Related gallery: Get to know Chinito hottie Dustin Yu

Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, nagkausap ang ilang housemates tungkol sa kanilang mga personal na buhay, tulad na lamang ng kay Dustin.

Seryosong inilahad ng chinito heartthrob ang kaniyang saloobin bilang middle child sa kanilang pamilya.

Ayon sa kaniya, “Middle child ako. Ako 'yung laging sinasabihan ng black sheep pero ako 'yung laging nagtatrabaho para sa pamilya.”

Sa social media, pinag-usapan ang tungkol sa sinabi ni Dustin, kung saan maraming netizens ang naka-relate umano sa kaniyang nararamdaman.

Kasama niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang kaniyang fellow Sparkle stars na sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Mika Salamanca, at pati na rin ang ilang Star Magic artists.

Samantala, si Dustin ay napanood sa GMA drama series na Mano Po Legacy: The Family Fortune noong 2022 at naging parte ng cast ng action series na Black Rider noong 2023.

Mas kilalanin pa si Dustin Yu sa susunod na episode ng teleserye ng totoong buhay.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'