GMA Logo Dyessa Garcia, Denise Esteban, Vern Kaye
What's on TV

Dyessa Garcia, Denise Esteban, Vern Kaye, nakakulitan nina Boobay at Tekla sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published January 21, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Dyessa Garcia, Denise Esteban, Vern Kaye


Ipinakita nina Vivamax stars Dyessa Garcia, Denise Esteban, at Vern Kaye ang kanilang kulit side sa recent episode ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Naghatid ng saya ang sexy celebrity guest stars na sina Dyessa Garcia, Denise Esteban, at Vern Kaye sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (January 19).

Hinarap ng Vivamax stars ang ilang maiinit na mga tanong sa interview segment na “Guilty or Not Guilty.” Isa sa mga tanong para sa tatlo ay kung tumanggap na ba sila ng regalo mula sa matanda at mayaman na lalaki.

Ano kaya ang sagot nina Dyessa, Denise, at Vern? Guilty or Not Guilty? Alamin sa video sa ibaba.

Bukod dito, sumalang din ang sexy beauties sa “Ang Drawing Mo” at nakalaban nila ang tandem ng hosts na sina Boobay at Tekla. Sa segment na ito, kailangan i-drawing ng bawat player ang mystery word habang naka-blindfold at huhulaan ito ng teammates niya.

Sino kaya ang nagwagi sa dalawang teams?

Samantala, nagbigay ng kanya-kanyang sagot sina Dyessa, Denise, at Vern tungkol sa mga love problem na isinumite ng ilang viewers. Ano kaya ang masasabi ng sexy stars tungkol sa mga ito?

Panoorin sa video sa ibaba.

Subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream. Mapapanood din ang TBATS sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.