GMA Logo Zephanie and Dylan Menor
Photo by: zephanie (IG)
What's on TV

Dylan Menor, kinilig nang i-post ni Zephanie ang kanilang duet ng 'Palagi'

By Aimee Anoc
Published September 25, 2024 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CAAP extends flight ban over Mayon Volcano anew until morning of Dec. 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Zephanie and Dylan Menor


"Actually, kinilig ako kasi siya 'yung nag-post. Sabi ko, 'Uy pinost ako ng isang Zephanie. Sobrang saya." - Dylan Menor

Inamin ng Sparkle heartthrob na si Dylan Menor na kinilig siya nang i-post ni Zephanie sa social media ang sweet duet nila ng kantang "Palagi," kung saan ay kinakiligan din ng kanilang mga fans.

Sa katunayan, maging ang singer na si Morissette ay napa-comment ng "Uuuuuy" sa kanilang nakakakilig na duet.

"Actually, kinilig ako kasi siya 'yung nag-post. Sabi ko, 'Uy pinost ako ng isang Zephanie. Sobrang saya," sabi ni Dylan sa interview ng GMANetwork.com.

Dagdag niya, biglaan lamang ang duet nilang ito ni Zephanie. Sa video, makikita si Dylan na tumutugtog ng gitara habang sabay nila ni Zephanie na kinakanta ang "Palagi."

A post shared by Zephanie (@zephanie)

"Ano lang 'yan biglaan. We just decided to sing a song we both know. Masaya ako kasi pinost n'ya sa social media and may mga kinilig.

"Nakaka-excite kasi may mga supporters din from her side, from my side tapos pinagsi-ship kami," nakangiting sabi ni Dylan.

Nagbibigay kilig ngayon sina Dylan at Zephanie sa Gen Z series na MAKA. Ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawang Sparkle stars sa isang proyekto.

"Noong nag-meet kami, noong nag-start kami sa photoshoot parang ang saya ng pakiramdam ko kasi alam ko si Zephanie very talented siya, halatang-halata naman. Sobrang bait, sobrang charming. Actually, ina-idolize ko nga rin siya.

"Sobrang saya ko kasi lahat din kami, hindi lang naman si Zephanie, lahat sobrang talented and sobrang bait, sobrang gaan makasama."

Patuloy na subaybayan sina Dylan at Zephanie sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: