
Nitong nakaraang Sabado, September 21, nagsisimula nang mapanood sa GMA ang Gen Z series na MAKA.
Bago ang pagpapalabas nito, naganap ang isang grand media conference, kung saan ipinakilala ang buong cast ng programa.
Isa sa mga mapapanood dito ay ang Sparkle actor na si Dylan Menor.
RELATED CONTENT: Meet Dylan Menor, the newest Sparkle heartthrob you should follow
Sa Instagram post ni Dylan, makikitang ibinahagi niya ang ilang larawan na nakuhanan mula sa mediacon.
Kakabit ng mga larawang ito ang ilang detalye tungkol sa kanyang karakter sa serye. Ipinakilala niya sa publiko ang karakter niyang si Dylan Dela Paz, isang transferee student.
Sulat niya, “Signing in as Dylan Dela Paz, ang bagong transferee student from Manila to the province.”
Sa dulong parte naman ng kanyang Instagram post, ipinaabot niya ang pasasalamat sa ibinigay na opportunity sa kanya ng GMA Network, Sparkle, at GMA Public Affairs na mapabilang sa cast nito.
Ilan sa kasamahan ni Dylan sa naturang youth-oriented show ay sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Chanty Videla, at marami pang iba.
Subaybayan ang MAKA, tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA-7 sa Kapuso Stream.