GMA Logo Dylan Menor
What's Hot

Dylan Menor, paano nakapasok sa showbiz?

By Aimee Anoc
Published October 17, 2024 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spanish prosecutors to hear testimony of Julio Iglesias accusers, rights group says
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Dylan Menor


Alamin kung paano nga ba nakapasok sa showbiz ang 'MAKA' heartthrob na si Dylan Menor dito.

Patuloy na kinakikiligan ngayon ang Kapuso heartthrob na si Dylan Menor sa Gen Z series na MAKA, kung saan ka-love team niya ang Generation's Pop Princess na si Zephanie.

Isa si Dylan Menor sa mga bagong aktor ng Sparkle GMA Artist Center. Bukod sa pagiging isang aktor, isa rin siyang influencer, singer, at commercial endorser.

Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ni Dylan kung paano nga ba siya nakapasok sa showbiz.

Ayon sa Kapuso heartthrob, bata pa lamang ay isinasama na siya ng kanyang ina na mag-audition sa mga commercial.

"Nag-start siya when I was a kid. Si mommy kasi commercial model, so dinadala niya ako sa mga VTR, pupunta ng... kasi kami from Las Piñas, dadayo kami to Makati to audition. So umabot sa ganoong point," kuwento ni Dylan.

"Fast forward, I played basketball for eight years, nag-focus ako roon. Varsity sa school from grade school to senior high school.

"And then, noong pandemic doon na ako nag-shift into social media. That's when I started doing TikTok, Instagram," dagdag ng aktor.

Ani Dylan, nagtuloy-tuloy ito hanggang sa muli siyang bumalik sa paggawa ng commercial.

"Nagustuhan ko 'yung commercial and it came to a point na parang one year, two years na akong nagko-commercial, parang I wanted to do something more than just commercials.

"So, I tried to explore... 'yun nag-audition din ako for series, movies. Nag-audition din ako sa iba't ibang networks tulad ng GMA. I'm glad and I'm very grateful na I'm part of GMA as Sparkle," sabi niya.

Sa ngayon, isa si Dylan sa lead cast ng MAKA kung saan kasama rin niya ang iba pang Sparkle young stars at ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.

Patuloy na subaybayan si Dylan sa MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: