What's on TV

EA Guzman at Divine Aucina, makiki-riot sa new normal ng 'TBATS'

By Cherry Sun
Published September 23, 2020 6:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman and Divine Aucina


Halakhakan na naman ngayong Linggo, September 27, kasama ang fun-tastic duo at sina EA Guzman at Divine Aucina sa 'The Boobay and Tekla Show.

Sina EA Guzman at Divine Aucina ang ka-tandem nina Boobay at Tekla sa kulitan at katatawanang hatid ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, September 27.

EA Guzman and Divine Aucina

Tampok sina EA at Divine bilang kapares ng fun-tastic duo sa laro na 'Don't English Me.' Teammates sina Boobay at EA habang magkakampi naman sina Tekla at Divine. Magkaintindihan kaya sila sa gagawing English translations ng Tagalog movies at song titles?

Ang dalawang Kapuso stars din ang makakasama ng fun-tastic duo sa 'Boobay and Tekla Presents' kung saan gaganap sila bilang sina Hansel at Gretel habang bibigyang-buhay ni Boobay ang wicked witch.

Samantala, tuloy-tuloy ang panggu-good time nina Boobay at Tekla sa 'Na-TBATS Ka.' Magpapanggap si Tekla na mangungutang at tatawagan ang isang kaibigang artista. Tutulungan o tatanggihan kaya siya ng tatawagan niya?

Muli rin nating mapapanood ang patok na patok na 'Dear Boobay and Tekla.'

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, September 27, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!