
Isang touching na viral story ang tampok ngayong linggo sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Isang ama ang nag-viral matapos manawagan ng breastmilk para sa anak niyang triplets.
Bibigyang-buhay nina Kapuso stars EA Guzman at Max Collins ang kuwento ng pamilyang ito sa episode na pinamagatang "Love Times Three: The Joel and April Regal Love Story."
Si EA ay si Joel, habang si Max naman ay si April. Masipag ang mag-asawa at may plano para sa kanilang kinabukasan.
Itinuturing nilang isang biyaya ang pagbubunti si April sa triplets, pero isang trahedya ang susubok bago pa man sila makapagsimula bilang isang pamilya.
Panoorin ang kanilang kuwento sa "Love Times Three: The Joel and April Regal Love Story," October 12, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: