
Sa kanilang huling Valentine's Day bilang mag-boyfriend at girlfriend, sinorpresa ng aktor na si EA Guzman ang kanyang fiancée na si Shaira Diaz sa morning show sa Unang Hirit.
Bukod sa Valentine's Day ngayong buwan, magse-celebrate rin sina EA at Shaira ng kanilang ika-12 anniversary.
Ano kaya ang sikreto sa kanilang mahabang pagsasamahan?
Sagot ni EA, "Para sa akin, kahit gaano na kayo katagal, dapat sa side ng lalaki, dapat nag-e-effort ka pa rin ilabas 'yung babae kahit gaano kayo ka-busy sa trabaho niyo, dapat you find time."
"Kahit one day lang sa isang linggo, and make it special, sobrang laking bagay na sa babae."
Sa loob ng mahigit isang dekada, consistent rin si EA sa pagpapadala ng bulaklak kay Shaira tuwing Valentine's Day.
Sa Valentine's Day ngayong taon, magiging spontaneous lang ang dalawa kung paano nila ise-celebrate ito, lalo na't busy sila sa pag-aayos ng kanilang kasal.
"Parehas kasi kaming naging busy, so ngayon kami talaga nagpa-plan, ngayong Valentine's na 'to, we want to be spontaneous na lang, kung ano na lang maisipan namin," paliwanag ni Shaira.
"Okay, ito 'yung last, pero kung magkasama naman kami, 'yun 'yung mahalaga."
Noong una, 2026 ang plano nina EA at Shaira na magpakasal pero ngayon ay napaaga na ito sa August 2025.
"Feeling ko si Shaira talaga, hindi na rin talaga makapaghintay na pakasalan ako," pagbibiro ni EA. "Hindi, hindi ko alam. Bigla na lang sinabi sa akin ni Shai na, 'Baba, pakasal na tayo sa 2025, next year.'"
Paliwanag ni Shaira, "Parang ako na rin 'yung natagalan, parang gusto ko ng mapunta sa next level 'yung relasyon namin kasi pa-30 na rin ako, parang sakto, 30 na rin ako next year."
"So, gusto ko na magpakasal, gusto ko na magka-baby, para may bago sa buhay. Doon rin naman tayo papunta, why not paagahin na lang?"
Kumusta na kaya ang wedding preparations nina EA at Shaira?
Panoorin ang buong panayam nila sa Unang Hirit: