
Si Kapuso actor EA Guzman ang bibida sa episode ng real life drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado.
Pinamagatang "My Missing Daughter," gaganap siya dito bilang Angkor, isang amang nangungulila sa kanyang nag-iisang anak.
Matapos kasing mabiyudo, kukunin ng kanyang biyenan ang anak ni Angkor at tuluyan itong ilalayo mula sa kanya.
Gagawin naman ni Angkor ang lahat para mabawi ang anak. Muli bang makakapiling ang mag-ama?
Bukod kay EA, bahagi din ng episode sina Liezel Lopez, Malou de Guzman, Ashley Sarmiento, at Joshua Bulot.
Abangan ang "My Missing Daughter: The Antonio Cordeta Story," August 2, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: