GMA Logo EA Guzman
Source: ea_guzman (IG)
What's on TV

EA Guzman, dream come true na maging cast member ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published June 30, 2023 4:00 PM PHT
Updated July 3, 2023 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman


Ife-flex na ng versatile Sparkle actor na si EA Guzman ang galing niya sa comedy bilang bagong Kababol!

Makikita sa mata ng Sparkle talent na si EA Guzman ang labis na tuwa na finally ay natupad ang pangarap niya maging official cast member ng longest-running gag show na Bubble Gang.

Kabilang ang versatile actor sa mga new cast members ng show tulad nina Buboy Villar at Sparkada member Cheska Fausto.

Magpapatuloy din sa paghahatid ng all-out tawanan sa gag show na ngayon ay mapapanood na Sunday Primetime simula July 9 sina Michael V., Paolo Contis, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Analyn Barro, at Kokoy de Santos.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay EA, taos-puso ang pasasalamat niya sa kaniyang home network sa binigay nitong chance na ipamalas ang kaniyang comedy skills.

“Grateful sa GMA and grateful sa mga bosses na nagtiwala sa akin. And thankful sa kanila kay Kuya Bitoy and para sa akin na masama ka sa isa sa pinakamatagal na show sa GMA. It's an honor and dati pangarap ko lang na makasama," saad ng Kapuso hottie.

“Pangarap ko lang na matawag na regular cast sa Bubble Gang para sa akin achievement na 'yun and ngayon nangyari na siya,” dagdag pa niya.

Edgar Allan Guzman

Source: ea_guzman (IG)

Inalala rin ng moreno actor ang una niyang guesting sa flagship comedy program ng GMA.

“Hindi ko makakalimutan 'yung first-time na nag-guesting ako sa BBLGANG and napakasarap kasi alam naman natin 'yung acting seryoso, drama. Pero dito sa BBLGANG dito mo malalabas 'yung pagiging makulit mo, e. Pagiging jolly mong tao o bubbly mong tao.

“Ganu'n ako, especially off cam makulit ako. 'Pag on cam gagawin ko trabaho ko, pero 'pag off cam palabiro ako. So feeling ko dito ko mailalabas sa BBLGANG 'yung ganung personality ko.... I'm excited!”

Samantala, nakatakda ding mapanood si EA sa upcoming Kapuso series na Lilet Matias: Attorney-at-Law kasama sina Jason Abalos at Jo Berry.

JAW-DROPPING PHOTOS OF EA GUZMAN: