
Isa ang Kapuso actor na si EA Guzman sa mga bibida sa upcoming legal serye na Lilet Matias: Attorney-at-Law.
Sa naturang proyekto, makakasama niya ang Sparkle prime actress na si Jo Berry na gaganap bilang Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.
Sa isang exclusive interview ng GMA entertainment reporter na si Lhar Santiago ay ibinahagi ni EA ang kanyang nararamdaman nang malaman niyang isa si Jo sa mga mahuhusay na Kapuso stars na kanyang makakatrabaho.
Aniya, “Very excited, kuya Lhar, especially first time kong makatrabaho si Jo Berry and looking forward na makaeksena siya. Kilig, comedy, and drama kumbaga para sakin natsa-challenge din ako kasi first time naming magkatrabaho. Kailangan walang ilangan, kailangan ma-deliver namin nang maayos yung mga eksena namin.”
Samantala, iikot ang istorya ng inaabangang Kapuso serye na ito sa journey ni Lilet Matias bilang isang abogada at sa iba't ibang kaso na kanyang hahawakan kabilang na ang isang rape case na kasasangkutan ng kanyang half-sister na susubok sa kanyang career at magiging dahilan para mabuo ang kanyang pagkatao.
Kabilang din sa cast ng Lilet Matias: Attorney-at-Law ang award-winning young actor na si Joaquin Domagoso, Sparkle beauties na sina Zonia Mejia at Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle heartthrob na si Jason Abalos at komedyante na si Ariel Villasanta.
TINGNAN ANG JAW-DROPPING PHOTOS NI EA GUZMAN SA GALLERY NA ITO: