
Sa recent guest appearance ni Kapuso actor Edgar Allan Guzman sa Mars Pa More, ibinahagi niya na handa na siyang mag-settle down sa kanyang girlfriend na si Shaira Diaz.
Tinanong ni Mars Pa More host Camille Prats kung mayroon bang pressure na nararamdaman ang aktor na dalhin sa susunod na level ang relasyon nila ni Shaira.
“Mars, as of now, ako wala.
“Kasi ayun nga yung kagandahan ng relationship namin eh. Kasi si Shaira is 26-years-old.
“Ako, hindi ako nape-pressure na mag 30 na siya kailangan na namin mag-settle down. Pinapakita niya sa akin [at] pinaparamdam niya sa akin na ginagawa pa niya yung gusto niya.
“Masaya pa siya dito. So hindi ko siya tinantanong na, 'Ready ka na ba?' Pwede na ba?' So, ako nararamdaman ko," sagot ni EA.
Ibinahagi din ng aktor na pinaparamdam pa daw ni Shaira na hindi pa siya handa sa pagpapakasal.
“So ako, dito lang ako sa likod mo, suportahan lang kita. Kapag alam ko at naramdaman ko na ready ka na, 'yun that's the time na okay na.
“Kasi ako, ready na ako eh. Ready to settle down pero syempre siya rin yung iniisip ko.”
Ayon pa kay EA, hindi niya ito tinitingnan bilang isang malungkot o nakakapagod na bagay.
“Parang mas lalo ko minamahal si Shaira kasi binibigyan niya rin ako ng time. Time para ayusin yung sarili ko.
“Para kumbaga kapag ready na siya anytime, ready na din ako. Ganon. Ang ganda, ang sarap,” nakatutuwang binahagi ng aktor.
Dagdag pa ni Camille na ang pinaka-bonggang parte sa relasyon ng showbiz couple ay mas na-e-enjoy nila ang kanilang pagsasama sa loob ng mahabang panahon at mas nakikilala ang isa't-isa nang walang pressure na kailangan magpakasal agad.
Alamin ang iba pang nakakakilig at nakakatutuwang istorya nina EA Guzman at Shaira Diaz sa Mars Pa More na video sa itaas.
Kapag hindi naglo-load ng maayos ang video sa itaas, maari itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang celebrity features gaya nito, tutukan ang Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA-7.
Samantala, tingnan ang Boracay getaway nina EA Guzman at Shaira Diaz sa gallery na ito:
ID: 13641