GMA Logo EA Guzman, Shaira Diaz
Source: ea_guzman/IG
Celebrity Life

EA Guzman, may espesyal na regalo kay Shaira Diaz ngayong Valentine's Day

By Kristian Eric Javier
Published February 14, 2026 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

M/V Trisha Kerstin 3 death toll reaches 54 as another body found
Young Negrense swimmers excel at Bangkok swim championship
Marian Rivera, Martin Nievera, Janice de Belen, Jed Madela unbox fun at new Pop Mart store in QC

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman, Shaira Diaz


Punong-puno ang puso ni Shaira Diaz dahil sa regalo ng asawang si EA Guzman ngayong Valentine's day!

Hindi lingid sa kaalaman ng marami, lalo na ng K-Pop fans, na big fan ng K-Pop boy group na BTS si Kapuso Morning Sunshine Shaira Diaz, lalo na ng miyembro nitong si JungKook. Sa katunayan, sinabi pa nga ng mister ng aktres na si EA Guzman na kaagaw pa niya ang Korean idol sa affection ng asawa.

Kaya naman, ngayong Valentine's Day, pinasaya lalo ni EA ang Puso ni Shaira nang regaluhan niya ito ng ticket sa upcoming concert ng K-Pop group. Sa Instagram, pinost ng aktor ang ilang litrato at isang video ni Shaira nang matanggap ang regalo ng asawa.

“Alam ko how much you love BTS and JungKook, so this one's for you. Happy Valentine's Day, Asawa, I just want to see you smile your biggest smile,” caption ni EA sa kaniyang post.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “P.S: Makikita mo na ng malapitan si JungKook. Ayos lang kahit sumigaw ka ng I LOVE YOU JUNGKOOK hahaha.”

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman)

Sa comments section, pinasalamatan ni Shaira ang kaniyang asawa Sabi pa ng aktres, “Ilysm (I love you so much)!!! Thank you! spoiled wifey ”

TINGNAN ANG ILAN SA MGA MEMORABLE FANGIRL MOMENTS NI SHAIRA SA GALLERY NA ITO:

May ilang ulit nang naipamalas ni Shaira ang pagkahumaling niya sa naturang K-Pop group. Sa katunayan, ang nabili niyang kotse noong 2024, dinecorate niya ng ilang bagay na related sa BTS.

Sa isang banda, minsan na ring nagpa-tattoo si Shaira ng purple heart na match sa paborito niyang miyembro na si JungKook.

Naging malaking New Year gift naman para sa ARMY o fans ng BTS noong January 1 nang makatanggap ang mga miyembro ng BTS sa Weverse ng isang postcard. Sa naturang postcard kasi, may cryptic na red logo at ang date na March 20, 2026.

Dahil dito, nagkaroon ang fans ng haka-haka nay bagong album na ilalabas ang grupo dahil isa ito sa mga stratehiya ng ilang artists para i-hint ang release ng kanilang bagong album.

January 14 nang kumpirmahin ng BTS ang kanilang comeback sa music sa pag-release ng kanilang bagong album sa March 20 na may titulong “ARIRANG.” Kasabay nito ay ang pag-anunsyo ng kanilang world tour, kung saan isa sa mga stops nila ay sa Manila sa March 13 - 14, 2027.