Celebrity Life

EA Guzman, nakahiligan ang pagluluto ngayong quarantine

By Cara Emmeline Garcia
Published August 6, 2020 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman


Isa si Kapuso hunk EA Guzman sa mga celebrity-turned-chef ngayong quarantine period.

Malugod na ikinuwento ni Kapuso actor Edgar Allan Guzman ang kanyang mga achievement ngayong quarantine at kabilang na diyan ang pagluluto.

Saad ni EA sa GMANetwork.com, magmula noong idineklara ni President Rodrigo Duterte ang pagpapasara ng NCR at ilang parte ng bansa, nakahiligan na niyang gumawa ng iba't ibang gawaing bahay.

Aniya, “Since nag-start 'yung ECQ, mas naging focused ako sa gawaing bahay.

“May time na ako para makatulong sa mommy ko, na maglaba at maglinis ng sarili kong kuwarto.

“Kahit may katulong kami, kumbaga parang tinuturuan ko na rin 'yung sarili ko in time for my future.

“And mas marami akong natutunan na iluto from my mom. Every dinner, tuwing kakain kami, nagpapaturo ako sa kanya. Tinintingnan ko 'yung pinapakain niya, ano-ano 'yung ingredients, at kung paano iluto iyon.”

Kaya naman hindi kataka-taka na magbukas si EA noong August 4 ng sarili niyang business na hango sa mga luto ng kanyang ina.

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman) on

The "Not So Ordinary" Adobo! May ile-level up pa? Oo mismo! 👍🏼 Introducing Mommy Sarrie's (my Mom) ADOBONG TUYO! Best with Patis! Kakaibang lasa na hindi mo mahahanap sa iba, and through the years, subok na subok na! TRY IT and you will surely LOVE IT 🙂❤️ #supportsmallbusiness Here's our pricelist : 100grams for 169.00 PHP (good for 1pax) 150grams for 219.00 PHP (good for 1-2pax) Now accepting PRE-ORDERS!! You may text or call this number : 0966-863-63-63. Delivery date is on AUGUST 4,2020 (Tuesday) & AUGUST 5,2020 (Wednesday). Follow our INSTAGRAM account @adobongtuyo 😊 P.S : my first business venture 😊🙏🏼

A post shared by EA Guzman 🤙🏼 (@ea_guzman) on

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil kahit kasisimula pa lamang nito ay successful ang naging dry run niya noong Lunes.

Kuwento pa niya, fully booked na raw ang kanilang reservations sa mga susunod na linggo.

Pero para kay EA, ang mas importante sa kanya ngayon ay ang mabuting kalagayan ng kanyang pamilya.

Wika niya, “Happy ako kasi lahat kami, 'yung family ko, healthy.

“Kahit maraming nangyayari sa buong Pilipinas o sa ibang tao, blessed pa rin kami na healthy 'yung family namin.”